Nupco’s Weblog

Just another WordPress.com weblog

Statement of NUPCO on the financial crisis

AEPF – Philippines Round Table Discussion

“What is to be done to protect the people in the midst of crisis?: firming up of proposals”

November 6, 2008

Ang krisis ay hindi na bago sa maralitang taga-lungsod. Sa paghahanap ng oportunidad para sa mas maayos at makataong pamumuhay kabilang ang mga tumakas sa armadong labanan sa kanayunan partikular ang mga kapatid na moro sa Mindanao, ay nasadlak ang maraming bilang ng mamamayan sa pakikipaglaban sa kahirapan sa kalunsuran. Mula sa pag-asang makakita ng liwanag sa ilaw ng kalunsuran, higit na maraming bilang ng mamamayang naghihirap sa kalunsuran ang magpasahanggang ngayon ay nakasadlak pa rin sa lugmok na kalagayang salat sa batayang serbisyo at walang katiyakan sa paninirahan. Taliwas sa pangarap na kaunlaran sa paglikas papuntang lungsod.

Ang katiyakan sa paninirahan ay siyang pangunahing adbokasiya ng maralitang taga-lungsod ngunit hindi ang kabuuan. Ang mga batayang serbisyo katulad ng tubig, kuryente at pasilidad sa kalusugan ay hindi huli sa mga ipinakikipaglaban. Ang kasalatan sa akses at mataas na halagang kinakailangan upang matugunan ang mga ito at higit ang kawalang pagpapahalaga ng pamahalaan ay lalo pang nagpapalala sa kahirapan.

Ang isang maliwanag na salamin kung gaano na kalala ang sitwasyon ng maralitang tagalungsod ay ang pinakahuling datos sa “involuntary hunger” ng SWS. Sa 18.4% o humigit kumulang na 3.3 milyong pamilya na nakakaranas ng kagutuman (3rd Quarter 2008) sa ating bansa, 560 libong pamilya o 23% ng mga kabahayan sa Metro Manila ang malaking bahagi nito.

2nd quarter of 2007 self rated urban poverty was 41%, at sa kasalukuyang sitwasyon ay patuloy na dumarami dahil na rin sa kawalan ng kumprehensibo at sustainable na programang agricultural sa kanayunan at kawalan ng industriyalisasyong nasyonal kasama pa ang patuloy na armadong labanan, hindi pa rin napagtutuunan ng pansin at salat sa mga rekisitos ng makataong paninirahan at disenteng pamumuhay ang maralitang taga-lungsod. Ang mga programang inilalaan ng pamahalaan ay hindi nakakatugon sa pangangailangan ng sektor. Ang ilan pa nga rito ay lalo lamang nagpapatindi sa kahirapang nararanasan ng maralitang taga-lungsod.

Ang nakaambang pagbulusok ng pambansang ekonomiya kaakibat ng pandaigdigang krisis ay isang alalahaning balido para sa sektor. Sa kasalukuyang lugmok na kalagayan, ano ang kahihinatnan kung hindi mabibigyan ng sapat na proteksyon at pagpapahalaga ang mga maralitang tagalungsod? Ang mga polisiyang nagpapahirap at mga programang hindi tumutugon sa pangangailangan ng maralitang tagalungsod ay dapat ng wakasan at palitan ng sasagot sa papalalim na krisis. Kasabay nito ay ang pagpapatupad ng mga programa at pagtutuon ng mga polisiya para sa interes ng maralitang taga-lungsod.

  1. Indefinite Moratorium on Demolitions/Evictions. Ang polisiya ng pamahalaan sa ngayon ay maliwanag na pag-papaalis sa informal settlements sa ngalan ng “development.” Ang pag-unlad ay hindi lamang istruktura kundi mas higit ang angkop na economic policies and environment at proteksyon sa mamamayan lalo na sa underprivileged. Ang demolisyon ay hindi dislokasyon lamang ng paninirahan kundi maging ng hanapbuhay at maliwanag na isang malaking sigwa sa ikinabubuhay ng mga apektado. Sa nakaambang krisis pang-ekonomiya, marapat lamang na magkaroon ng moratorium sa demolisyon upang hindi maapektuhan ng dislokasyon ang kasalukuyang economic activity ng maralitang taga-lungsod gaano pa man ito kaliit kung ihahambing sa pangangailangan.
  2. Restructure Problematic Loans and Condone Interests/Penalties on Failed Payment of Amortization on Low Cost and Socialized Housing Projects Affecting Such and Implement Moratorium on Amortization When Deemed Necessary. Ang maraming nabiyayaan ng programang pabahay ay hindi nakakabayad dahil na rin kakulangan ng hanapbuhay o kung mayroon man ay hindi sapat upang matugunan ang mga batayang pangangailangan, lalo na sa pagdating ng krisis. Dapat na icondone ang mga interests at penalties na kaakibat ng hindi pagbabayad at irestructure ang mga utang at ibatay sa kakayanan ng mga beneficiaries at kung kinakailangan ay mag moratorium sa pagbabayad ng amortization upang makaagapay ang maralita sa krisis.
  3. Refocus Housing Projects on the Basis of Peoples’ Needs and Rights to Shelter Rather Than Merely an Incidental Component of Infrastructure Projects. Ang mga kasalukuyang pabahay ng pamahalaan ay nakalaan ang malaking bahagi sa mga maaapektuhan ng infrastructure projects (North Rail, South Rail, C5 etc). Samakatuwid, hindi talaga seryoso ang kasalukuyang pamahalaan sa pabahay bagkus ay isang insignipikanteng bahagi lamang ng mga mas prayoridad na mga imprastraktura. Ang karapatan ng mamamayan sa makataong paninirahan ay dapat maging una bago pa ang mga kalsada. Dapat dagdagan ang badyet at exposure ng pamahalaan para sa programang pabahay at magpatupad ng programang nakabatay sa affordability, accessibility, at de kalidad na bahay.
  4. Put As-is-Where-is and On-Site Development on Top of Hierarchy of Priorities on Housing Projects.
  5. Proclaim Government Lands Occupied By Informal Settlers for Socialized Housing.
  6. Focus Government Financing on Labor Intensive and Peoples’ Development Oriented Projects.
  7. Urban Poor’s Access to Credit/Financing Must Be Given Primacy.
  8. Institutionalize Significant Peoples’ Representation/Participation in Policy Formulation and Governance.
Advertisements

November 10, 2008 - Posted by | Activities with other networks | , , ,

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: